Linggo, Pebrero 17, 2013

Mga Kamangha-manghang Bundok



Kapansin-pansin ang mga ibat ibang pinagkukunan ng likas na enerhiya sa Laguna, katulad na lang ng mga hydro-electric plants at mga geothermal plants na nagpapatunay na ang Laguna ay sagana sa mga bundok.

  Bundok Banahaw
Talaksan:Bundokbanahaw.JPGAng Bundok Banahaw ay isang dating bulkan sa Pilipinas na matagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa Luzon. Ito ay isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na nakikita. Dahil ito ay dating bulkan, maraming hot springs na matatagpuan dito at maraming tao rin ang umaakyat sa tuktok nito dahil may "milagro" raw yung tubig na nakapagpapagaling ng maysakit.


Bundok Makiling
       
   
Ang Bundok Makiling ay isang bundok na nasa lalawigan ng Laguna sa pulo ng Luzon, Pilipinas. Ito ay isang bulkang hindi aktibo, na may taas na 1,090 m sa taas ng dagat. Maraming mga alamat ang patungkol sa bundok tulad ng mga kwentong bayan tungkol kay Maria Makiling.
Ang Unibersidad ng Pilipinas, Los BaƱos ay ang nakatalagang mangalaga sa bundok.

Ilan lamang ito na sa mga bundok na matatagpuan sa Laguna.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento